Friday, June 27, 2008

Ang Bata

Posting here the lyrics of the song sung by Jun Utleg in his album, Sa Kanyang Panahon....

Ang bata, may dala'ng isang laruang lata
Hila-hila sa kalsada
Makipot at sira pa
Butas ang damit, marumi ang ayos niya
Siya ang bagong Pilipino.

Ang bata, may muta, tinunaw ng kanyang luha
Panis na laway, naghihintay sa kapirasong pan de sal
Ngunit mataas na ang araw sa Silangan
Wala pa rin si Ama.

Ang bata, nakayakap, dinadama ang init ni Ina
Malakas na ulan, malakas na kulog, tinatakot siya
Pintuan ng bahay, bubungan sira-sira
Ang tanging karamay niya.

Ang bata, nakatingala, nakatingkayad sa bintana
Siya'y nakasilip at nakikinig ng bulong sa labas
Bakit ang buhay kay ingay, kay gulo
Natutulig na ako.

Ang bata, ang bata, kawawang mga bata
Saan sila patutungo, saan papunta
Dito ba sa Lupa'ng puno ng kaguluhan
Puno ng kasawian.

(Repeat stanza I)

No comments: